Toni Gonzaga and Derek Ramsay on “Precious Hearts Romances” starting August 31

Toni Gonzaga and Derek Ramsay on "Precious Hearts Romances Presents: Ang Lalaking Nagmahal sa Akin" starting August 31, 2009
Nasa huling linggo na nga ang seryeng “Precious Hearts Romances Presents: Bud Brothers” na talaga namang tinangkilik nang maraming manonood. Kaya naman, marami rin ang nag-aabang para sa bagong kabanata ng nasabing show na pagbibidahan ni Toni Gonzaga at Derek Ramsay na pinamagatang “Ang Lalaking Nagmahal sa Akin.”
Sa Lunes, August 31, 2009 na nga ipapalabas ang bagong palabas ni Toni Gonzaga. Medyo matagal-matagal din hindi nakita sa telebisyon ang pag-arte ni Toni matapos ang “Maging Sino Ka Man: Book 2″ kung saan nakasama rin niya si Derek. Gagampanan ni Toni sa nasabing palabas ang karakter na si Flores, isang katulang na mai-inlove sa kanyang amo.
Wala naman problema kay Toni na pang-hapon ang nasabing palabas marami na rin kasing primetime shows ang kinabilangan ni Toni tulad ng “Maging Sino Ka Man: Book 2,” “Crazy For You,” at iba pa.
Samantala, matapos medyo mag-lie low ang actress/TV host sa kanyang mga TV projects, eh, masisilayan na muli siya araw-araw sa muling pagbubukas ng Pinoy Big Brother House. Ang chika nga sa amin, eh, sa September na daw ipapalabas ang “Pinoy Big Brother: Double Up,” ang third season ng nasabing reality show. Makakasama pa rin ni Toni ang mga dati na ring host ng programa na Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez.
Excited na ba kayo? Aba, abangan ang “Precious Hearts Romances Presents: Ang Lalaking Nagmahal sa Akin” rarampa na sa inyong mga telebisyon ngayon August 31, 2009 pagkatapos ng Kambal sa Uma!
aabangan ang movie mo…………
idol
Dear Toni,
Ang ganda ng chemistry ninyo ni Derek, napa tawa ninyo kaming mga kababayan ninyo na dito sa europe nag hanapbuhay at malayo sa aming mga mahal sa buhay.
kung kilala ko lang ang director sa teleseryeng ito (Ang LALAKING Nag mahal sa akin) sasabihin kung Buhay ko ang isasabuhay niya dito,kaya tawa ako ng tawa,kasi naalaala ko ang kabataan ko noon, mabuhay ka Toni,more project to come and God Bless!
Flor in germany
hello toni..im one of your fans….i really love you as an actress..i want to meet you in person…hope to see you soon as my a birthday gift to me…god bless you…more power my dear TONI G.
RICAHJOY-BATANGAS
i’m a big fan of ms. toni gonzaga..ultimate multimedia star talaga sya sana ma meet ko sya…napaka humble di tulad ng iba…